Friday, April 28, 2006

nasaan na ang mga bata?

totoo nga. bago na ang henerasyon. at patuloy na magbabago. dati sabi ng magulang ko, ibang-iba na daw ang mga kabataan nung dekada 80. nung naging 90, iba ulit. tila kada dekada nagpapalit ang henerasyon. mga bagong sibol. bagong ugali.....bagong tuli. kakatawa, natuto akong mag-computer college na. nagka-cellphone lang nung nagtrabaho. pero mga pamangkin ko dumedede pa lang adik na sa cellphone, may kasama pang akting na tila modelo sa ads ng telepono. ung isa grade 1 palang adik na sa mobile at computer games, lalo na sa counter-strike. di baleng utus-utusan ko at gawing alipin (hehehe) basta't payagan ko lang makapaglaro sa pc ko. high-tech ang walangya =P

namimiss ko kabataan ko (pero di ibig sabihin matanda na ako). pag naglalakad sa kalsada di maiwasang tumingin kung may maliliit na butas sa daan. kung may guhit ng chalk. kung may dalawang pirasong yantok. kung may pigtas na tsinelas. kung may yuping lata... wala na bang naglalaro ng holen? ng piko? ng syato? ng luksong-tinik/baka? ng patintero? ng tumbang-preso? ng langit-lupa? ng taguan? ng habulan(?) (ung may base?, putek nakalimutan ko na). jackstone?

madalas akong makagalitan noon dahil sa pagtakas tuwing hapon. ayaw kong matulog gusto kong magtantsing. gusto kong mag-teks (hindi text SMS =P). gusto kong maglaro sa kanal. haaayyyy nasan na ba ang paborito kong pamato? nasan na ang pinitpit kong tantsan? ang bunbon ng palara ng sigarilyo? ang mala-sawang goma? oo mga laruang kanto lang meron ako. wala akong gi-joe, voltron, transformers, barbie (dapat lang!), voltes-v, bioman, etc. etc. etc. pero panday meron ako. yun yata ang paborito kong pamato. may thumbtacks sa gitna at alambre sa kamay bilang pampabigat. kanya-kanyang diskarte.

maari nga iba na ang henerasyon dahil na rin sa media at bilis ng teknolohiya. sabi nila sutil kami noon, aba! e mas lalo naman ang ngayon. bata pa may wisyo na. walastik! pero uubra ba naman sa'kin sila nyahahahaha!

kung mapagbibigyan, mas nais ko pa rin ang aking kabataan. holen, lata, tsinelas, yantok, teks, pamato, salagubang laban sa makabagong computer. nais ko pa ring tumakbo ng matulin. pagpawisan. madapa. tumambling. mabalian. maglaro sa ulan. sipunin. dahil kahit pagbalibaliktarin, iba pa rin ang henerasyong aking nakagisnan. AMEN!